Friday, February 27, 2009

patawad.


malungkot ako. tulad ng dati.

hindi ko alam kung ang mga bagay na nagagawa ko ba ang dahilan o ako mismo na gumawa ng mga ito..

madalas kasi ako ang may kasalanan. sa pakiramdam ko ako ang masama. ako ang kadalasang mali. ako. ako talaga.

mahal ko pero hindi ko kayang respetuhin? mahal ko pero di ko kayang pagkatiwalaan? mahal ko? o pagmamahal ba kaya ito?

seloso ako. madalas paranoid. laging maduda. kaya ako ang laging pinagmumulan ng aming pagaaway. konting kibot, away. konting mahuli sa oras na gusto ko, away. konting pagkakamali sa nasasabing salita, away. konting galaw, away. sawa na siya sa away. sawa na rin ako pero pakiramdam ko mahal ko naman ang taong ito. mabait, maunawain, masayahin at mahal na mahal ako. ramdam na ramdam ko yon. pero ako ang may mali. ako ang laging may pagkukulang. ako. ako talaga.

kagabi, nagkaroon ng isang bagay na hindi ko sinasadyang gawin. hindi kapatapatawad. naaawa ako sa kanya. totoong sa relasyong meron kami, siya ang madalas magsakripisyo, madalas sunud sunuran sakin, madalas umoo sa kung ano ang gusto ko. madalas siya ang nakakaunawa sa "pagtantrums" ko. pero sa gitna ng kabutihang ito, nasaktan ko siya, sinaktan ko siya.

walang kapatawaran ang ginawa ko. matagal maghihilom ang sugat na dumampi sa kanya dahil saakin. nagsisisi ako pero gustuhin ko mang bumawi, tila ba may kung anong espiritu ang nagtutulak sakin na huwag at nagsasabing " huwag, kasi pagnaayos ulit, sasaktan mo at masasaktan ulit siya ng paulit ulit. huwag na. tama na."

masakit makita na naghihirap siya. masakit din saakin ang mga nangyayari pero parang hindi ko na rin kayang makita na nagkakaganun kami pareho dahil saakin.

tama nga siguro ako, hinding hindi ako makapagbibigay ng pagmamahal sa ibang tao kung ang dami dami kong bagaheng dala sa puso ko. hindi nga ako maaring magmahal kapag ako mismo, di ko alam kung mahal ko ang sarili ko.

madami na akong pinagdaanan. ilang beses na akong nagmahal. nasaktan.nasugatan. nadapa ng paulit ulit at paulit ulit ng paulit ulit.

siguro dahil sa mga nakaraan ko kaya hirap akong magtiwala. kaya hirap akong makaintindi. kaya hirap na hirap akong magpakita ng pagmamahal. kaya siguro ganito ako kasi hindi biro ang mga pinagdaanan at pinagdadaanan ko na ilang taon ko na ring tinatago sa sarili ko. akala nila malakas ang loob ko, akala nila, matatag ako. akala lang nila...

akala ko kaya ko na ulit magmahal ng buong buo. akala ko, naayos ng kasalukuyan ang anumang nakaraan na pilit tinatakasan. hindi pala. lalabas at lalabas pa rin ito at ang masakit, nadadamay ang ibang tao kasama na ang taong mahal mo. patawad.










No comments:

Post a Comment