Saturday, February 28, 2009

sign


Wala pa ring kasing lungkot ang nararamdaman ko ngayon. para bang lahat nawawasak na. parang lahat nawawala na. apektado na pati trabaho ko. parang lahat ng nangyayari dito sa singapore hindi tama. parang day 1 palang meron ng mali. meron ng kung anong kulang. hirap na ako. hindi ko na alam kung saan ako pupunta. ang pakiramdam ko, isa akong taong walang "use". maawa man ako sa sarili ko, wala naman akong ibang dapat sisihin kundi ako. kung anuman ang mga nagyayari saakin ngayon siguro epekto na rin ito ng mga pagkakamali ko. pinarurusahan na ba ako ng Diyos?

kelangan ko ng "sign" kung magpapatuloy pa ako dito. kelangan ko ng makakausap pero parang wala akong makitang handang makinig at maiintindihan ako. kelangan ko ang Panginoon ngayon.

No comments:

Post a Comment