Saturday, February 28, 2009

sana bata pa din


Add Videoang sarap balikan ng pagiging bata. ang sarap isiping kapag bata ka parang ang pagaari mo lang ay ang iyong sarili. simpleng kahilingan, simpleng kasiyahan, simpleng problema.

noong bata ako, mahal ako ng lahat. hindi man spoiled, alam ko na hanggang kayang ibigay ng nanay ko, ibibigay niya sa akin at sa mga kapatid ko.

nuon, laro at nood ng tv lang ang gusto kong gawin. hindi rin naman kasi ako palaaral. magulo ako sa klase. gusto ko laging nasa akin ang atensiyon ng mga teachers ko. malikot at maingay, yan ako nuon. wala naman akong inisip nun kundi magpasaya ng mga kaklase ko, sa paraang iyon ko napapakita na kahit nuon pa man, gusto ko lahat laging masaya. kapag bata ka, mababaw ka. konting pagalit, tampo. kapag hindi nasusunod ang gusto, tampo. kapag bata ka, wala kang mabigat na iisipin. ang tingin mo sa mundo ,isang malaking malaking playground. isang liugar kung saan ka pwedeng maglaro at mangulit.

kapag naaalala ko ang kabataan ko, parang ang sarap balikan. sana bata na lang ako ulit. sana may time machine para maibalik ako sa pagkabata ko, tumanda man ako ulit atleast alam ko na kung paano tahakin ang buhay at iwasan kung anumang mga pagkakamali ang nagawa ko. sana may pagkakataon pang matupad kung anuman ang gusto kong gawin. kung saan ko gustong pumunta at kung saan ako pwedeng maging masaya.

ngayon, pakiramdam ko lahat ng diwa ng pagiging bata sa puso ko nawala na. unti unti itong nilamon ng mga bagay na nangyayari sa akin simula nung namulat ako sa dumi ng mundong kinagagalawan ko. maraming maling desisyon, maraming maling nangyari na hindi ko na mababalikan pa.

sana bata na lang ako. para sana hindi ko naranasan ang mga ito. sana.

No comments:

Post a Comment