maraming bago saakin ngayon. maraming maganda at malungkot na pagbabago ang dumating sa buhay ko sa mga nakaraang linggo. una na rito ang paguwi ng kapatid ko sa Pilipinas. ito ang pagbabago nanaman sa buhay ko dahil sa nakalipas na labing isang buwan, kasama ko siya dito sa Singapore. nakakalungkot dahil muli nanaman akong nalayo sa mga mahal ko sa buhay. ang iniisip ko nalang ngayon, makabubuti rin ito para sa kanya dahil gusto ko matuto pa siya kung paano mamuhay ang isang nagkakaedad. si Pam kasi ang tao na tila ba wala pang gaanong alam sa kung paano tatahakin ang buhay. ang alam niya ang buhay kailangan payak, walang komplikasyon. dahil dito, ang kinalalabasan ng mga gawa at kilos niya, sa iba parang hindi na maganda. nauunawaan ko ang kapatid ko pero hindi niya pa makita sa ngayon na komplikado ang mundo. hindi na ito payak ng tulad ng inaasahan niya. magiging BAGO para sa kanya ang mamuhay ng naaayon sa kinagagalawan niyang lipunan. pero alam ko, kagaya ko, magiging matapang din ang kapatid ko.
simula nuong umalis yung kapatid ko, napagpasyahan ko at ng katuwang ko sa buhay na ayusin ang kwarto na naayon sa gusto ko. ewan ko ba, pero kasi habang tumatanda ako nararamdaman ko na maraming nagiging BAGO saakin. ayoko na ng makalat, gusto ko lahat organisado. taliwas ito sa buhay ko dati, makalat, magulo, walang organisasyon. BAGO saakin to at natutuwa ako. ngayon, gusto ko lagi nasa kwarto lang, pakiramdam ko, hinahatak ako lagi ng kama namin. mas nakakpagpahinga ako at mas narerelax.
BAGO rin ang notebook ko. binili ko sa tulong ng kaibigan ko. ang ina ng laging saklolo ng barkada. natutuwa ako sa bago kong possession na ito. sa tingin ko matagal tagal ang tatahakin ng notebook na ito at mapapadalas ang paggawa ko ng blog.
sa dalawampu't limang taon ko sa mundo, samutsaring pagbaBAGO ang mga naranasan at nasalubong ko at sa mga pagbabagong ito, may mahihirap, may masasaya at may malulungkot pero eto pa rin ako, nakatayo. lalong tumatapang at lalong natututo. sa susunod sana may BAGO. sana masayang pagbaBAGO.
Monday, June 8, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment