galit ang nararamdaman ko sa tuwing nakakita ako ng taong mayabang at self righteous. para saakin kasi, kakambal ng kayabangan, ang kabobohan. sa totoo lang, marami na akong nakilalang mga taong mayabang pero wala namang maibuga kundi hangin sa katawan. buti pa nga ang utot, nakakatulong sa mga halaman dahi sa dala nitong carbon dioxide.
kahit kailan hindi ko kayang makisalamuha sa mga taong walang ibang alam kundi ang magmayabang. ang mga taong masyadong bilib sa sarili, self righteous, mahilig mambara, at magpanggap na may alam o alam ang lahat pero wala naman. ito ang mga tipo na taong pinakaIIWASAN ko sa lahat. pero ewan ko ba kahit saan ako pumunta ay may makakasama ako sa bahay man o sa trabaho, na ganito ang paguugali.
naiirita ako at hindi ko kayang magcompose sa tuwing may mamumutawi sa bibig ng mga taong ganito. kinasusuklaman ko sila at kinaiinisan ng sobra. sa paniniwala ko, ang mga ganitong tao, madaming kahinaan na takot ipakita, duwag ipamukha kung anumang kahinaan meron sila.
nagpapasalamat ako, hindi ako ganito. at naiintindihan ko na kung minsan kailangan mong ipagmalaki kung anumang bagay na ibinigay, pinaghirapan at naabot mo pero hindi kailanman magiging katanggap-tanggap sa akin ang pagmamayabang pero wala naman alam.
matagal-tagal na rin simula nung nagkaroon ng gulo sa bahay dahil sa isang bagay na hindi sinasadyang magawa. hindi ako humingi ng paumanhin dahil wala akong makitang masama sa ginawa ko, maliban nalang sa damit na ginawa kong basahan, at isang mayabang at madamot ang nagmamay-ari. idagdag mo pa ang likas na kababawan at kabobohang taglay niya. wala akong ginawang masama sa palagay ko dahil bago ko ginawa iyon, ipinagtanong ko pa sa malapit sa puso niyang tao kung kanino yung damit na isang souvenir shirt sa isang estado sa Amerika. sabi niya, hindi sa kanila.
simula nuon, dahil sa isang kababawan at kadamutan, nagaway-away at hindi na nagkibuan at wala naring akong kaplano-planong makipagayos pa at sa puntong ito, galit, inis at pagkairita ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita o nakaksalubong ang taong bobo na ito.
nuon pa man, hindi man sa first few days na pagkakakilala, ay nagsimula ng uminit ang dugo ko sa taong bobo na ito. ibang iba kasi ang pakilala saamin ng taong malapit sa puso nito. kesyo, magaling makisama, mabait at masiyahin "daw".
mali siya dahil ang taong pinakilala niya saamin ay nuknukan ng kayabangan, mapagmataas, feeling gwapo at higit sa lahat magpanggap na may alam. bobo naman.
paano kong nasabi na talagang bobo ito. mahilig kasing umarteng ismarte at may talino kuno pero kung basahin mo ang ingles, tatumbling ka sa kakatawa! walang kasing katawa-tawa dahil sa mga asta niya, kala mo "editor-in-chief" sa magasin. at pati magsalita, buong ningnig, mali mali naman ang grammar at ang ibang salita, mali ang pagbigkas. pero bilib ako sa confidence niya. ang hindi niya alam, pinatatawanan siya sa tuwing maymakakabasa ng mga gawa niya.
mapagmataas kasi. kitang kita sa galaw at pagarte ng taong ito.
gigil na gigil ako sa kanya.
ayokong ayoko nakakasalaubong siya. hindi ko kinakaya ang makita ang bobong naglalakad na animoy pagaari ang lahat..
at duon ko napagtanto, na siya ang may pinaghalohalong ugali na pinakaAYOKO sa lahat.
uulitin ko, buti pa ang hangin, beneficial, e ang hangin na walang alam, ano kaya?
Sunday, May 3, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment