mahigit isang buwan akong hindi nagsulat dito. kasi sa tuwing nanaisin kong magsulat, madami ang pumapasok sa isip ko na maari kong ibahagi sa inyo. nalilito ako kung ano ang uunahin ko at sa bandang huli, nawawalan ako ng gana na magsulat. minsan tinatamad pero minsan naman may willingness pero di matuloy-tuloy.
ngayon, iuupdate ko lang ang mga nangyari sa buhay ko sa mahigit isang buwang pananahimik. hehe.
una, binalak kong umuwi sa pinas para sa kaarawang ni "bater". nagbago ang isip ko matapos ang matagal na pagiisip. hindi ako nakauwi kasi inisip ko, yung iuuwi ko, ipapadala ko nalang sa kanila. (ito ang malimit na dahilan ng mga taong nangingibang dagat at isa na ako marahil sa mga iyon) dahil matagal ko ng laging gustomg umuwi para magbakasyon pero palaging di natutuloy kasi, sa rasyonalismong nabanggit ko ang "ipadala mo nalang" syndrome. hindi naman ako nagsisi, dahil sa kasamaang palad, nawalan ng trabaho ang kapatid ko. krisis kasi.
nuong nalaman ko na wala ng trabaho si Pam (kapatid ko), hindi ako nabigla. ewan ko ba, siguro kasi inaasahan na ng marami saamin na kung ikaw ang nagtatratabaho sa ibang bansa at nakaranas ng paghihirap ang lugar kung saan ka nagtatrabaho, natural lamang na ikaw ang sipain. nangyari yun sa kapatid ko. kahit naman siya, alam ko, inasahan niya rin ang linyang "i am afraid we have to discontinue your service due to financial crisis"...
ako din naman e, inaasahan ko na din na magkakaroon din kami ng sipaan, hindi ko lang masiguro kung malapit na yun. dasal ko lang sana naman huwag muna ngayon. paano na ang inay? hehe.
ng malaman ko na wala ng trabaho si Pam. itinuloy ko nalang ang plano kong magbakasyon sa Malaysia ng ilang araw, kasama ang isa sa pinakamalapit kong kaibigan--si Butch. una, ayaw ni Pam, gastos lang daw. ako nalang ang nagpilit kasi gusto ko bago siya umuwi sa Pinas, e mapuntahan man lang niya Malaysia, at makaranas namang maenjoy ang konting kasiyahan ng pagbabakasyon. KL (Kuala Lumpur) ang una naming destinayon. ako ang tipongg hindi magaling magplano sa mga kung saan ang pwedeng puntahan "anything goes" ako. aaminin ko, hindi ako nagandahan sa KL. ikinumpara ko ito sa Maynila. ewan ko ba pero malungkot ang lugar na ito para saakin. siguro dahil ibang iba ang kultura nila. pero hindi ko parin ipagpapalit ang Maynila at ang Pilipinas. naisipan kong umakyat na lang sa Genting (ang Baguio ng Malaysia) atleast dun may themepark, malamig at malinis. nagcasino ako (slot machine lang po) at humihingi hingi lang ng pera kay Butch pangtaya. ang kaibigan ko kasing ito ang talagang mahilig sa pagsusugal. ayun, masnasiyahan kami sa Genting kesa sa KL. (yung ibang detalye ipopost ko nalang sa friendster, mga litrato kasi as they say "picture speaks a thousand ship" hehe.
Birthmonth ko ang April...
Para sa mayabang...
and dalawa pon ito ang susunod kong blog.
abangan!
Sunday, May 3, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment