Naninikip ang dibdib ko habang tinitipa ko ito. Bigla nanaman kasing nanariwa ang alaala ng mga nakaraan. Dagdag pa ang pagaalitan ng aking kapatid at nanay. Hindi ko alam kung sino ang papanigan o kung ano ang paniniwalaan. Nalulungkot ako dahil sinampal nanaman kaming magkapatid ng isang katotohanang nuon pa namin dinadamdam. Nauulit at nauulit ang pakiramdam na ito sa tuwing may away pamilyang ganito.
Hindi ko maaring ipagpalit ang pamilyang aking kinagisnan. pare-parehong dugo ang nanalaytay saamin. Ngunit hindi rin maiwasan ang samaan ng loob lalo't higit na alam mo na nuon hanggang ngayon, iisan lang ang pinapanigan ng nanay ko at yun ay ang panganay kong kapatid.
Hindi naman nagkulang ang Mama. Hindi rin ako mahilig manumbat. pero alam ko na sa ilang dekadang pag tahak namin sa buhay na ito, higit sa lahat, ang nasasaktan ay ang pangalawa kong kapatid. Siya kasi ang madalas kasakitan ng loob ng Mama. Siya din ang mahilig magdamdam. Balido ang rason upang magdamdam siya dahil malinaw pa sa pwet ng baso na MAS ang pagmamahal ng Nanay ko sa panganay kaysa sa kanya. Walang ibang apo ang nanay ko kundi ang anak ni panganay at ang anak ng pangalawa ay madalsa ding maitsipwera.
Bata pa kami, nasaksihan ko na mas lamang sa pagtingin ng mga magulang ko sa panganay naming kapatid. higit na mas kinakalinga at binibigyan ng pagpapahalaga. Hanggang ngayon, ganun pa din.
AKo
ang naiipit sa sitwasyong mga ganito. hindi ako matanim na tao pero alam kong may malaking punto ang pangalawa. Wala na sigurong mas sasakit pa sa katotohanang ito. Ipinagdadasal ko na lamang na sana, makayanan ni Karla ito. Na sana ako din.
No comments:
Post a Comment