Wednesday, September 23, 2009

Eto naman sa multiply...

maling linggo
Feb 10, '09 12:58 AM


pagod. eto na lang nga siguro ang pwede kong masabi sa mga pangyayari noong nakaraang linggo. sunod sunod na nakakapagod isiping insidente ang tumambad sa pagkatao ko at nag-iwan ng sakit at panghihinayang.
lunes- kinausap ako ng boss ko tungkol sa posibilidad ng paglipat ko sa ibang departamento sa opisina. isang posisyon na hindi ko gusto. kesyo dahil sa financial crisis kelangan magbawas ng tao, na ako daw ang most fitted sa posisyon sa sales at dahil foreign worker daw ako, kelangan mas productive ako kasi di hamak na mas mahal ang bayad saakin kumpara sa lokal. Nanlumo ako nung sabihin saakin yun dahil napamahal na saakin ng husto ang trabaho ko at masaya na ako sa ginagawa ko. masaya na rin ako dahil nakahanap ako ng nanaynayan sa department kung saan ako kabilang at ngayon bigla na lang sasabihin saakin na kelangan kong lumipat. ang masama pa nito, ang pakiramdam ko binuhos ko lahat ng alam, kapasidad at telento ko sa trabahong ito. hindi ko man gusto, wala namang naiwang pagpipilian. naisip ko, mahirap maghanap ng trabaho, talamak ang krisis saan mang parte ng mundo. kakayanin ko to. "ako pa!" sabi ko sa sarili ko.

Martes-Biyernes-Tahimik ang mundo ko pero ramdam kong may mangyayari nanaman. alam kong sa tahimik na takbong ito, may di nanamang magandang mangyayari. natrauma na nga ata ako sa tinatakbo ng buhay ko saan man ako pumunta. parang pakiramdam ko wala nanamang direksiyon ang minsang sinubukan kong ayusin. kalat kalat nanaman ang diwa ko. ang stress level ko ay umabot na sa tuktok. Ang dami dami kong iniisip, ang dami dami kong pagaalala and dami dami na!

Sabado- Tuluyan na akong nawala sa ulirat. naaway ko ang isa sa importanteng tao sa buhay ko. pakiramdam ko kasi, nagsisinungaling siya at sa tuwing sisitahin, hindi maubusan ng dahilan at palusot. ayoko kasi sa lahat na kapag tinanong ka at alam mong wala ako sa mood makipaglokohan, sumagot ka ng naaayon sa relo ng pangyayari. hindi pwedeng magpalusot ng imposible. hindi pwedeng lokohin ang isang taong matagal ng nahasa sa karanasan. tinapos ko na. ayoko na rin. sawa na ko. pagod na.

Linggo- pagising pa lang ang sama sama na ng pakiramdam ko, ang bigat. alam ko kasing bukod sa masamang balita ng posibleng pagkakalipat ko, may kaaway pa ako. ayoko mang harapin ang araw na iyon, wala akong choice dahil kelangan kong pumasok at magtala ng perfect attendance dahil krisis daw. kumbaga para kaming nasa reality artista search na isa isa manganganib matanggal. pumasok ako na may kung anong mabigat na bagay ang nakapaton sa likod at dibdib ko. kadalasan sa mga oras na iyon wala ako sa sarili, natutulala na lang bigla. nakakarindi ang mga imahinasyon na tumatakbo sa isip ko. nakakarindi.

Linggo ng gabi- pauwi na ako galing trabaho. may tumawag na kaibigan sa cellphone ko, usap usap, kumustahan, konting tawanan. lakad at lakad lang. pagkatapos ng usap, naisip kong kapain ang wallet ko na normal kung ginagawa dahil nakasanayan ko sa pinas na kapain ito from time to time at baka madukot o nadukot. (madalas kasi akong mawalan ng wallet sa pinas, minsan namimisplaced, minsan nadudukot) nung kinapa ko ang bulsa ko, wala ang wallet ko butas na pala din ang loob nito!. waaaa!!!! nataranta ako, di ko lam kung anong gagawin ko, pabalik balik ako sa lugar kung saan ako dumaan pero di ko makita ang wallet ko. agad na tumakbo sa isip ko nung mga oras na iyon ay ang mga laman ng wallet ko, credit card, staff card,atm,ez link(ang tranpo access mo dito sa sg),Work visa card, at higit sa lahat PERA na nagkakahalaga ng 700 sgd. nagdala ako ng ganon kalaking pera nung araw na yun dahil ibibigay ko sa pinagkakompromisuhan namin ng kaibigan ko. wala na. nawala na. patay na.
hindi ako pinatulog ng pagkawala ng wallet ko dahil na rin sa nandoon ang mga mahahalagang bagay sa akin, naisip para nanaman akong hubad dahil nawala lahat ng importante. nagfile ako ng police report kinabukasan at umaasang baka maisoli pa sakin. nalungkot nanaman ako nung sinabi nung police na malabo na itong mahanap at tila ba tinanggal yung katiting na pagasa na maari pang mabalik ang wallet na yon. wala na nga.
mali talaga ang linggong nakaraan. patong patong ang mga nagyari na kung iisipin minadali ng tadhana. hindi inunti unti, binuhos agad sa pitong araw. mapagbiro nga ito. pero gaya ng dati, sabay lang sa agos ng kapalaran. huwag magpakalunod. tatandaan ko nalang na mali man ang linggong iyon, maymas maraming tamang linggo naman ang darating.





update sa diyeta
Feb 10, '09 12:09 AM


matagal tagal na rin nung huli akong bumisita dito sa blog section ko. ang huli kong post, yung pagpapayat ko pa. just in case gusto niyong malaman kung pumayat na ako. konti lang po. naging sobrang busy kasi ako sa buhay may trabaho. haha. ang tanging outlet ko lang para makapagrelax ay ang kumain kaya nagstop muna akong magdiet pero nung mapansin kong nahihirapan na akong huminga, kinailangan ko ng magdesisyon na magpapayat ng seryoso, yung di na half meant. hahaha!.
eto na ang ika 17th day ko sa 1st phase of part 2 sa pagpapayat ko.(imbento ko lang yung way ko ng pagpapayat) pero effective naman dahil 4 kilos na ang tanggal sa timbang ko.
ngayong hapon, tatry kong mag gym sa may malapit samin o di kaya magjog in place nalang muna kung tamarin. pag afternoon shift ako nag jajogging ako sa umaga, kung off sa bahay lang nag jojog in place at gumagamit ng abs-swing at konting buhat.
ngayon ayoko na munang mangako kung kelan talaga tuluyang mawawala ang taba ko, para di ako mapahiya sainyo basta eto ang totoo, determinado pa ako sa determinado na magpapayat.
sana before my birthday payat na ako.



diyeta daw oh!
Nov 6, '08 1:14 AM
1:56 pm
workplace.


gutom na ako. naglalaro sa isip ko ngayon ang mga masasarap na pagkain ng gapore. ang famous chicken rice nila at ang paborito kong sayap penyet na sobrang anghang.. isama mo na ang gabundok na kanin na 'nilalamon' ko tuwing tag-gutom. sa pamamalago ko sa signapore, nanaba ako ng husto. kung nuong bago ako umalis, 79 kilos lang ang timang ko, ngayon po ay tumataginting na 107 kilos na. may numerong '7' pa naman, yun nga lang nasa huli na..
ewan ko ba kung bakit naman kasi walang kadisidisplina itong bibig ko. ang sarap naman talaga kasing kumain, matulog kumain. gawian ko yan sa tuwing off ko. ang masama ngalang sa isang linggo, talong beses karaniwan ang off day ko... kaya ang bunga... isa na akong 'bobsy ngayon.
nakakairita nga minsan kasi ako nalang lagi ang nakikita ng mga kasama ko... kesyo "eymard, you're so fat now! sabay tanong ng "what happened?" diyan namang maririning ko ang mga salitang" better do some exercise, it's not healthy" putsa, tumingin ako sa kanan, kaliwa, likod, harap... lahat parepareho ang mga sinasabi--eymard MATABA KA na ng SOBRA! Papayat ka NAMAN!
Makailang beses na rin akong sumubok na magpapayat pero ewan ko ba kung bakit bumabalik ako sa dating habit... sarap naman kasi talagang kumain... sarap ng kanin!
Wala ng magkasyang pantalon sakin, pati mga damit ko pinalitan ko ng size (di ko na sasabihin kong anong size basta madali lang hulaan..hahaha)
Minsan nakakaramdam ako ng awa sa sarili ko, gumigisng ako na parang ang bigat ko... literal na parang may dumadagan sa dibdib ko. naisip ko, hindi rin healthy ito.
nagdecide ako magpapayat...ng seryoso...

ngayon, pilit kong pinipigilang kumain ng husto. yung tama lang. marami akong naririning na bersiyon kung paano ang epektibong pagpapayat. may mga nakakatawa, mayroon ding nakakiinis. sabi nung isa kong kasama, kelangan daw lagi akong nagiisteam bath sabi ko naman ang mahal naman ata non. sabi naman nung isa, tiisin ko daw na walang asin at asukal ang mga kinakain ko. sabi ko naman di naman ako diabetiko...
napagtanto ko, para ka pumayat, kelangan desidido kang pumayat at maging maayos ulit ang eating habits mo. simple lang ginagawa ko ngayon. kumakin ako ng tama sa oras. hindi ako nageextra meal kumbaga tama na ang 3 times a day.pag busog na tigilan na ang pagnguya...
ang isusunod ko pagnagkaoras ako ay ang pageehersisyo.
target ko sa february 2009, pumayat na ako...ng husto!

abangan!






paalam lola E!
Nov 5, '08 4:53 AM


matapos ang isang taon at limang buwan, umuwi ako sa pinas. hindi para magbakasyon, kundi para madalaw ang lola ko at makita sa huling sandali.
wala na siya. nalungkot naman ako. naghinayang. nakonsensiya. di ako gaanong malapit sa lola kong ito. palagi kami nagaaway. marami akong hinanakit sa kanya. pakiramdam ko kasi sa pamilya namin, kami ang hindi paborito. minsan pakiramdam ko, kami ang api. hindi naman talaga kasi maipagkakaila ang lakas ng paboritismo ng lola. kung sino ang paborito niya ipaparamdam niya ito, ganon din sa pagpaparamdam niya kung hindi ka mansanas sa panigin niya. nasasaktan ako sa tuwing nararamdaman ko yon at sa tuwing nakikita ko na iba ang trato niya sa iba kong pinsan. at lalo akong nasasaktan sa tuwing nakikita ko na iba ang pagtingin nya sa nanay ko kesa sa iba niyang anak.
hindi kami close ng lola ko dahil mas pinili kong wag maging malapit sa kanya. totoo yun. may mga dahilan ako. pero naglaho na lang iyon sa isang paguusap na naganap sa akin at sa nanay ko...
pagdating ko sa lamay ng lola ko, nakatitig lang ako sa kanya. wala namang panunumbat pero wala ring gaanong emosyon ang dumaloy sa puso ko. nandun lahat ang mga tiyahin at tiyuhin ko, mga pinsan at mga nakasama sa bahay ng lola ko. kita ko ang lungkot sa kanilang mga mata. sa salamin, tinitigan ko rin ang aking mata, pilit kong inaaninag ang lungkot pero ala akong makita. muli, dala nanaman siguro ito ng nakaraan. natrauma ata ako.
sa tuwing makikihalubilo ako sa mga taong nakasama, nakatawanan at nakaiyakan ng lola ko, isa lang ang konteksto ng usap, yun ay ang pagiging mabuting tao ng lola ko. nakakalungkot man, pero di ko gaanong naramdaman yun...
umuwi ako dahil gusto kong damayan ang nanay ko na lubos na nagdadalamhati. siguro kung sino man ang nakakaramdam ng nararamdaman ko, mga kapatid ko yun.
alam ng nanay ko ang galit at puot na nararamdaman naming magkakapatid simula nung mga bata pa kami. pero nanatili siyang tikom ang bibig ngunit basang basa ko ang lungkot sa kanyang mga mata nuong mga panahong iyon.
ngayon may rason na ako para tanggalin ang anumang dadaming naramdaman ko sa mahabang panahon. nakausap ko ang nanay ko. sabi niya saakin, ilang araw daw bago namatay ang lola, nagkausap ito at si ate tess (ang kasambahay ng lola ko). napagusapan nila ang mga anak ng lola. iniisa isa niya ang karakter ng mga anak. nasabi ng lola ko na sa mga anak niya, si mama ang matiisin, malakas ang loob at hindi nagbibigay ng ganoong pagaalala at problema sa kanya.
nung mga panahong kinikuwento ng mama ang mga ito, kinilabutan ako at nahimasmasan. kung sa lohiko ang pagbabasehan maaring hindi sinadya ng lola na maiparamdam saamin ang mga bagay na iyon dahil naniniwala siyang, kaya naming tumayo sa sarili naming mga paa.
duon ko rin napagtanto na hindi dahil sa hindi kami mahal kundi dahil alam ng lola kung sino ang dapat na mas bigyan ng kalinga.
hindi man kami naging malapit ng lola, babaunin ko sa pagalis ko sa Pinas ang kakaunting alalaalang dinala niya sa buhay ko at sa mga kapatid ko.
paalam na lola E!





Madam Claudia
Jun 21, '08 8:40 AM
8:04
workplace- singapore



Nakaranas na ba kayo na magkaroon ng among (boss) na masahol pa kay Silva sa seryeng lobo? napatanong lang ako dahil naalala ko nanaman ang dati kong boss na ubod ng sama ang budhi. nuon akala ko ang kontrabida, sa pelikula lang. yung mga ngiting aso akala ko sa teleserye ko lang mapapanuod, akalain mo pati pala sa totoong buhay nangyayari ang mga kagaya ni madam claudia sa seryeng "pangako sayo". ang mapait pa nito, saakin at sa mga kasamahan ko nangyari.
dito sa singapore, marami akong kakilalang intsik at malay na mababait at sinsero sa pakikipagkaibigan. mga kasama ko sa trabaho na sina nancy at mona ang isa sa mga ito. pero meron ding madam claudia sa buhay ko dito. sa buhay naming mga pinoy sa departamento ko. ang pait!
lahat ng elemento ng pagiging masamang empleyado , nasa sa kanya na. plastik, ipokrita, sipsip sa mas nakakataas, maninirang puri, sakim, ganid, madumi ang mga salitang namumutawi sa bibig, masayang masaya pag may nakikitang naghihirap, super tawa pag may nagagawang mali at kasalanan ang kapwa, tsismoso, mapanglait at pangit! yun sha.
kapangalan ng pangulo natin, ka height din ata. di ko lang alam kung ganon din ang presidente natin. sa nakikita ko mukhang di naman nagkakalayo.
Matindi ang dinanas naming stress at pressure sa kamay ng matandang iyon. maanghang magsalita. kung manlait, sagad hanggang buto. sa kanya ako nakaranas ng mga salitang istupido, hunghang, walang alam. kahit gaano kaayos mong gawin ang trabaho mo, may makikita at makikita pa rin siya. sa paningin niya siya lang ang may alam, siya lang ang matalino. siya lang. siya lang. siya lang.
dumating na lang ako sa punto na napuno na ako. alam mo naman tayong mga pinoy, pag nasusobrahan na kelangan ng supilin. kagaya ng ginawa ng kasama ko sa trabaho, nagsulat din ako sa hr. lahat ng mga ginawa at sinabi niya saamin, inilagay ko sa sulat na iyon. salamat sa journal na ginagawa ko, may mga naipakita akong ebidensiya upang sumuporta sa mga naisulat ko na tuluyan na ding nagdiin sa kanya.
Tanggal si madam claudia sa departamento ko. nalipat siya. pakiramdam ko ng mga panahong iyon, naging bida ako. pakiramdam ko ako ang "huling bantay".
daig pa nga niya talaga si Silva ng Lobo o si Brigida ng Kay tagal kang hinintay o si Madam Claudia ng Pangako sayo. pero gaya ng mga teleseryeng ito, sa huli, bida pa rin ang nagwawagi.






magkapatid
Jun 13, '08 2:12 AM
21.6.08
workplace 3:43 pm
singapore


nandito na ang kapatid ko. matapos ang ilang araw, buwan at taon kong paghihintay na makasama siya. nandito na nga. paborito ko kasi tong kapatid ko na to. overprotective nga raw ako sa kanya sabi ng iba kong kapatid at kaibigan. kasi naman, ito lang ata ang kapatid ko na hindi marunong maglabas ng sama ng loob. lahat tinatago kaya parang ang simpatiya ko napupunta sa kanya. nuong mga bata kami, ubod ako ng pilyo sa kapatid kong ito. sa tuwing magaaway kami, sapak, batok at sabunot pa nga kung minsan ang inaabot niya saakin. matigas din kasi ang ulo, kagaya ko. ayaw makinig, pag kung minsan may sariling mundo pero alam mong mahal kami ng sobra.
nagkolehiyo ako, nasa probinsiya pa siya. nung tumuntong naman siya ng unibersidad, sa malayo siya nagaral kaya wala na talaga kaming pagkakataong magkasama. sundo at hatid lang papunta at pauwi ng probinsiya ang oras naming magkapatid para magkasama. isang oras hanggang dalawa, minsan nga 30 minutes lang.
Kakarating lang ng kapatid ko, apat na araw pa lang siya dito. nagbabakasakali ng trabaho. sana makakuha siya para kasama ko na siya dito sa gapore. sana yung iba ko pang kapatid madala ko na rin dito. sana dumating ang panahon na mabuo ulit kami. gaya ng dati.




kayang kaya kaya?
Jun 9, '08 2:31 AM
9.6.08
2:31pm
work place-singapore


dalawang tulog na lang panibagong trabaho nanaman ang madadagdag sa akin. mas mabigat. mas komplikado. mas mahirap. mas nakakakaba.
bukod kasi sa dati ko ng portfolio, nadagdagan ako ng administrative at internal tasks na pinipilit ko pa ring lunukin hanggang ngayon. kelangan daw kasi multi-tasking. multi tasking na ang ginagawa ko sa customer service department kung saan ako na ang nangangasiwa ng lahat na ginagawa ng kasamahan ko. kung dadagdagan pa ito, hindi kaya, super, mega, to the max multi- tasking na?
kayang kaya ko kaya? sana!




talagang sayang!
Jun 8, '08 7:36 AM
8.6.08
7:17 pm

workplace- singapore
Nagkukuwentuhan kami ng kasama ko sa trabaho at kaibigan na rin na si noemi, mga isang oras na ang nakakaraan. marami kaming napagusapan tungkol sa mga kaibigan niyang mayayaman. mayaman na masasabi kasi naman, lima ang sasakyan, mansyon ang bahay, sunod sa luho at layaw, higit sa isa ang negosyo ang pinatatakbo at galing sa mga ekslusibong unibersidad sa Pilipinas. Ganoon din ang kaibigan kong ito. mayaman din. hindi na kailangan mangibang bansa para magtrabaho. pero may dahilan siya kung bakit siya nandito. gusto niyang tumayo sa sarili niyang paa kasama ng asawa niya. makailang beses na rin siyang sinabihan ng kanyang mga magulang na umuwi nalang kasi nga hindi niya naman na kailangang magtrabaho sa malayo. pero mapilit pa rin siya, dahil naniniwala daw siya na hindi mo kailangang umasa sa magulang mo kapag may binubuo ka ng pamilyang sarili. tama nga naman siya.responsableng pananaw ng isang taong kung tutuusin ay hindi na kailangan pang magtrabaho dahil kayang kaya ng mabuhay sa milyon milyong salaping meron ang magulang niya.
Nakaramdam ako ng inggit.kakaibang inggit na may halong panghihinayang. sana ganoon din kami ngayon. sana hindi ko na kailngan pang lumayo sa pamilya ko at magtrabaho ng milya milya ang layo para lang makatulong sa mga mahal ko sa buhay, sana hindi ko nilustay ang mga perang nahawakan ko noon. halo halo ang nararamdaman ko nung mga oras na naguusap kami ni noemi. bumalik ulit saakin ang pakiramdam ng pagsisisi at panghihinayang.
mapera kami noon. nabubuhay sa karangyaan.ilang daang libo na rin ang nahawakan ko simula noong nagaaral pa ako ng highschool. sa murang edad naranasan ko na ang lahat ng luho. malayaw akong bata. lahat ng gustuhin ko, nakukuha ko. kaya kong gumastos ng dalawampung libo sa isang araw lang. mahilig akong manlibre sa mga barkada ko. gimik at inom sa umpisa. kain sa labas, sky is the limit pa. wala na akong maisip pang pagkakagastusan noon kaya nagawa kong subukan magdrugs. oo, naitago ko iyon sa pamilya at mga kaklase ko at karamihan sa kanila ay hindi pa alam na gumamit ako ng bawal na gamot. ganyan nga siguro talaga ang nagagawa ng pera. tinutulak kang gumawa ng hindi na tama.
marami akong mga bagay na pinagsisisihan ko sa buhay ko, isa na ito. maraming "sana" ang naisip ko at patuloy ko paring naiisip hanggang ngayon na hindi sumagi sa diwa ko nuon. marami akong planong hindi nasunod at mga pangarap na di natupad dahil gumising nalang ako isang araw na wala na kaming pera, na naghihirap na kami. masakit isipin ang katotohanan na sana kung hindi namin inabuso ang perang meron kami nuon at kung iningatan lamang namin ito, sana ngayon mas maayos ang mga buhay namin. isa itong pagkakamaling hindi na dapat maulit. isang pagkakamaling kinapulutan ko ng aral sa masakit at mahirap na paraan.
sayang talaga.





trabaho?
Jun 5, '08 5:37 AM


5.6.08. 5:13 pm, sa pad ko. singapore
napapaisip lang ako, ano bang trabaho talaga ang gusto ko?
nuon, gustong gusto ko ang trabaho ko, nakikipagusap sa customer, nasusulusyunan at napapagisip sa kung ano ang sagot sa problema at reklamo nila. naasikaso ng maayos ang trabaho ng may kasiyahan sa kalooban.masaya nuon, hindi ko na alam ngayon.isang taon na din kasing ganito, nagsasawa nanaman ako...parang nasusuya na ako sa araw araw na pagdedesisyon sa kung ano ang tamang gawin. sa pagharap sa mga iritableng kustomer minsan nga sa isip ko, napapapuny*ta na lang ako. , sa paggawa ng nakakasuyang reports at pagsagot ng tang**ang telepono! sawa na nga ako!
ang nararamdaman kong ito ay katulad ng naramdaman ko nuon noong nagtatrabaho pa ako sa pilipinas. una akong naging guro sa mga magaaral sa aming simbahan. english teacher daw kung tawagin. masaya naman ako dahil nakakatulong skong msgbigay kaalaman sa mga batang kalye. oo, nagturo ako sa mga kapus-palad, at ang natatanggap kong pera buwan buwan ay 2,700 pesos lamang, nakatagal ako ng 3 taon dahil na rin siguro sa pagmamahal ko sa mga batang nakita kong natuto at lumaki na nasubaybayan ko. may isa , sa UP nagaaral ngayon. ang tagumpay nila parang naging tagumpay ko na rin. gayunpaman, parang may hinahanap pa rin ako, parang naghanap ako ng growth sa sekular na aspeto kaya nagdesisyun akong lisanin ang pagtuturo at napadpad ako sa advertising firm, nakaya ko naman ang trabaho malaki din naman ang sweldo (14thousand pesos+ commission). nabigyan naman ako ng merito ng makailang ulit pero parang di parin ako nakaalpas sa kagustuhang magturo. hanggang sa namalayan ko nalang, nagresign na pala ako at bumalik sa pagtuturo, pero ngayon sa pribadong intitusyon na. part time muna ako at kumikita ng 6 thousand a month sa 4 na oras na pagtuturo, di na masama, sa umaga iyon, sa hapon naman tumutlong ako sa negosyo ng kamaganak ko, nasa marketing dept nila ako. "sawa" nanaman ang terminolohiyang namutawi sa bibig ko kaya't nagpasya akong magresign sa dalawang kumpanyang pinagsabay kong pagtrabahuhan. sinubukan ko naman ang industriyang in na in sa pilipinas-- walang iba kundi "call center". sa sobrang in-demand nito, lahat ata gustong magtrabaho bilang ahente gamit ang telepono o call center agent. mapalad ako kasi isang beses lang akong nagtry, tanggap agad. narinig kong naguusap ang mga nagaaply nuon na karamihan sa kanila ay hindi lamang isa o dalawang beses sumubok makapasok sa call center, lima, sampu at meron pang labinlima. call center hopping ba! sa dalawang daang nagaaply sampu lang ata ang tinatanggap ng mga kompanya...at eto matapos ang humigit kumulang isang taon, nagsawa nanaman ako...nagsawa ako ng "how may i help you today, o kaya thank you for calling citi bank, my name is eymard..." paulit ulit ng paulit ulit ng paulit ulit. nakakapraning! isama mo pa ang nakakainis din ang mga panlalait ng mga kano na tila ba sila ay henyo at hindi nagkakamali!, nakakairita ang pagiging tanga at kuripot nila. totoo, ang mga kano ay kuripot...isa itong common knowledge sa indutriya ng mga modernong call boys at call girls sa call cenner (center) industry!
ngayon nandito na ako sa singapore, pang labin dalawang buwan at dalwamput ptiong araw ko na ito dito. nagsasawa. nauumay. nalulungkot. sana matagalan ko pa ang trabaho ko. ang pressure at stress na dinadala nito sa buhay ko. ang mga boss ko at ang walang humpay na tsismisan, siraan at inggitan sa pinatatrabahuhan ko. sa june 10 2008, dalawa na ang magiging trabaho ko, customer service adviser at store andministration staff. sana kayanin ko, sana makontento na ako. sana...sana... sana....




una ito
Jun 4, '08 1:22 @my pad
1am.singapore.


nabuboryong lang ako at di makatulog... naisip kong buksan ang notebook ko, nagtingin tingin ng friendster.Nakita ko ang shout out ni meg, (isa sa mga malalapit kong kaibigan) nakalagay yung multiply account niya. bigla kong naisp na icheck din yung akin na sa sobrang tagal ko ng hindi naasikaso, nalimot ko na rin ang password pati username nito... kadalasan kasi sa friendster ako naglalagay at naguupdate ng kung ano ano tungkol sa buhay ko... at ngayon eto naman ang patutuunan ko ng pansin... eto ang gagawin kong parang labasan ko ng emosyon... sana makatulong ito para mapagaan ang mga bagay sa loob ko...
sabi nila, masayahin daw akong tao. mapagbiro. mapintas at maloko. mapanuri din daw ako. sabi nila yun. Ang mga kaibigan ko sa bikol, kung saan ako lumaki, nagkaisip at nakaranas ng lahat lahat sa buhay, ang mas higit na nakakakilala saakin. ang mg kaibigan kong itinuring kong malaking impluwensiya sa aking buhay.
punong puno ng bintana ang buhay ko. sa bawat bintanang ito, nakalagay ang kung sino ako sa harap ng kaibigan, ka-ibigan, katrabaho at kapamilya ko.depende sa kaharap ko ang pagbukas ng bintana ko. sa mga kaibigan ko, alam nilang malakas at matibay ang loob ko. masayahin, mapagbiro at masarap kasama. bibihira akong mag share ng personal na problema sa kanila maliban sa mangilan-ngilan na komportable akong sabihin kung ano ang nasa loob ko... sa ka-ibigan, masungit ako, yun bang alam mong nagsusungit dahil concerned. pagmahal ko ang isang tao, masyado akong nagiging direkta at taklesa. ito lang ang paraang alam ko para maiparating sa kanila kung anong mali ang nagawa nila. sa mga katrabaho, ganon din, mapagbiro, masayahin at maalaga. sa pamilya, masasabi kong responsable at sobrang mapagmahal ako sa kanila. alam nila yan. hindi man ako ganon na nakakpagexpress ng nararamdaman ko sa kanila, alam nila na andito ako para sa kanila...
ako ang tipo ng tao na mas gugustuhing itago ang nararamdaman para lamang maipakita ko na malakas ako. ayokong may naawa sakin, ayoko ng may nalulungkot para saakin.
kung masaya kayo,,, masaya na din ako para sainyo...

No comments:

Post a Comment