"it's over even before it ends" csi (vegas). ito yung dialog sa pinakapaborito kong serye sa us tv na tumama sa diwa ko nung napanood ko ang episode 8, season 9 nito.
tinamaan ako at napaisip sa mga katagang binitawan para kay grissom, ang isa sa mga bida ng seryeng ito. parang nakarelate ako. naisip kong sa relasyon, sa babae at sa lalake, o maging sa mga homosexual ay may mga pinagdadaanang mga mabibigat na pagkakataon na kung iipunin ay maaring humantong sa hiwalayan. may mga bagay na minsan napaguusapan, minsan pinagaawayan at inaayos din naman. sa mga pagtatalong ito kadalasang gumigitna salitang "tiwala". ito na marahil ang pinakamalakas na pundasyon na hindi matitibag ng kung anong away ang mamagitan sa dalawang taong nagmamahalan.

Naitanong ko sa aking sarili, paano kung ang pundasyon na mismo ang masira, ang tiwala?hanggang kailan at hanggang saan kakayanin kung ang sarili mo na mismo ang pumipigil na ipagpatuloy pa ito? o paano sisimulan ulit ang relasyon kung sinira na ito na mainitang pagtatalo at kawalan ng tiwala sa isa't isa? maari pa bang ayusin ang paulit ulit ng nasirang samahan? o mas makabubuting huwang ng ipagpatuloy ito habang may natitira pang respeto sa isa't isa?
tama ang sinabi sa csi, minsan hindi mo alam, tapos na pala bago pa kayo magdesisyon na tuluyang maghiwalay. disfunctional na kung tawagin. may lamat na kumbaga.
hindi mahirap unawain ang palagi nating naririnig sa ibang tao na hindi sapat ang pagmamahal lang, dapat mahal mo at pinagkakatiwalaan mo. tama sila.
may mga bagay na huli na ang lahat bago pa man tangkaing ayusin. hindi mabubuhay ang relasyon kapag alam niyo sa isa't isa na wala ng maiging patutunguhan ito.
isang araw masasabi mo nalang, tapos na pala, matagal na.

No comments:
Post a Comment