Saturday, March 7, 2009

silang mga mahal ko.




walang kasing saya ang pakiramdam kapag nakikita mong masaya ang pamilya mo. reward saakin yun. dahil kahit na mahirap magtrabaho sa ibang bansa at malayo sa kanila, sa paglubog ng araw maiisip mo na dahil sa gusto mong masaya sila kaya nandito ka. hindi naman kasi totoong sapat na ang pagmamahal mo sa pamilya mo para masabing magiging masaya sila. kulang pa din yun. ang katotohanan, bukod sa alam nilang mahal na mahal mo sila e naibibigay mo ang mga pangangailangan at gusto nila. kapag nakita mong natutuwa sila, may kung anong pitik ng kasiyahan sa puso mo. hindi sapat ang mahal lang, higit na mas sasapat pa kung nagagampanan mo ang responsibilidad mo para sa kanila.

ang dami dami ko na ring sakripisyong ginawa para sa pamilya ko. nahihirapan man ako, iniisip ko nalang na para sa kanila ito. nangako ako sa sarili ko na itataguyod ko ang nanay ko at mga kapatid ko sa abot ng aking makakaya. lahat kaya kong suungin at danasin para lang sa kanila. ayoko na rin kasing makita ang kahit isa sa mga mahal ko ang naghihirap. gusto ko lahat sila masaya. parang hindi ko kakayaning makita ang kahit isa sa kanila ang magdusa ulit kasi pakiramdam ko, tama na yung mga dinanas namin nuon. gayunpaman, alam ko na may sasalubong pa din na hirap, sakit at problema kaming pagdadaanan. dasal ko lang na sana makaya naming tumayo sa gitna ng mga darating pa na mas matatag at mas malakas.

No comments:

Post a Comment