halimbawa, isang araw makapulot ka ng isang bag na naglalaman ng $500,000.00? ano ang gagawin mo? isosoli o ibubulsa?
ipokrito ako kung sasabihin kong isosoli ko ito. bakit pa? eto na ang pagkakataon kong makuha lahat ng gusto ko. isipin ko lang na makapulot ng ganon kalaking pera, naeexcite na ako. ang dami dami ng pumasok sa utak ko. parang ang sarap sarap isipin. mabibili ko na ang gusto kong louis vuitton bag at wallet pati na sapatos. mabibili ko na ang gusto kong model ng laptop, mabibili ko na ang mga damit, makakapagpalipo na ako.hahaha. higit sa lahat, mababayaran ko na mga utang ko, isama mo na ang mga utang na loob ko sa mga taong nagsasabi at nagpaparamdam sa akin na may utang na loob ako sa kanila.
iba ang nagagawa ng pera. iba kapag may pera ka. iba rin ang tingin sayo ng mga tao kapag mayaman ka. marami kang kaibigan. marami ang tatrato sayong hari. marami ang magsisipsip sayo. minsan,sa totoo lang, ang sarap paglaruan ng mga ganitong tao. sa lipunang kinagagalawan natin, diyos ang tingin sa may pera. ganon talaga. realidad na yan. kaya ako, gusto ko madami akong pera.
habang tinitipak ko ito, hindi ko alam kung anong emosyon ang biglang bumalot sakin. nagtanong tuloy ako, pera nga lang ba talaga ang dahilan para maging masaya ako? naglalaban saakin ang oo at hindi. oo, dahil pagmarami kang pera, kaya mong magpasaya dahil kaya mong mabili ang gusto mo at ang kahit na anong gustuhin ng mga taong mahal mo. hindi, dahil naransan ko na rin na magkaroon ng limpak limpak na pera nuon. nagbago ako at nakalimot, pakiramdam ko nun, ako lang dapat ang masunod dahil ako ang may hawak ng ikaliligaya ng mga tao sa paligid ko. nagkamali ako dun. naisulat ko nuon saaking blog section sa multiply nuong mga panahong sagana kami sa buhay ay nawalan ako ng kontrol na pamamahala ng direksiyong dapat na tinahak ko. naisip ko nuong nawala na saamin ang kasaganaan na ang pera nauubos kapag hindi iningatan. ang pera, kapag ginawa mong sentro ng buhay mo, magiging masama ka. totoo yun. walang sinuman sa mga taong ginawang sentro ng buhay nila ang pera ang magsasabing hindi sila masama o di kaya'y di sila gumawa ng masama sa tingin ng lipunan.
totoo, ang pera ang isa kung hindi man pinakaimportante sa buhay ng isang tao. katunayan, kadalasang pinagaawayan ng magasawa ay ang pera. kadalasang umiinit ang ulo ng mga tao kapag walang pera. minsan, nagpapatayan pa para lang at dahil lang sa pera. pagnaghangad ka na magkaroon ng pera, hindi mo hahangarin ang "sapat lang", ang gugustuhin mo ay yung "limpak-limpak" na.
sa ngayon, hindi ang tao ang nagpapaikot ng mundo, kundi pera.
mayabang ka, overconfident ka, kapag may pera ka.
sa panahong ito, pangit ka man, kaya ng gawan ng paraan basta't may pera ka.
nauubos ang pera, yan siguro ang kaya kong sagutin. kasabay siguro ng pagkaubos ng pera ay pagkaubos ng dignidad, prinsipyo at pagkatao ng mga taong nalululong dito. tama, hindi lang shabu o marijuana ang nakakalulong. PERA din. ang masama nito pati tao nasisira dahil dito.
ngayon, ibabalik ko ulit ang tanong ko, kapag nakapulot ako $500,000.00, isosoli ko ba? i ibubulsa?
ganon pa din ang magiging sagot ko. ngayon may "pero" na.
pero, iingatan ko at ipamamahagi ko sa iba ng walang hinihintay ng kapalit. bibili pa rin ako ng mga gusto ko pero sisiguraduhin kong may matitira para maiukol ko sa bukas ng mga taong mahal ko.
hindi masamang mangarap na magkaroon ng madaming madaming madaming pera. ang masama, ay kung bibigyan ka ng pagkakataong magkaroon nito, e aabusuhin mo.
sa pera... o sa saya? sa pera nalang, tiyak makakapagpasaya ako!
ikaw, isosoli mo? o ibubulsa mo?

No comments:
Post a Comment