Tuesday, March 17, 2009

pera?...nanaman.

parang kahapon lang nung huli akong nagsulat ng tungkol sa pera. ngayon, problema ko nanaman ito. hindi dahil sa kailangan ko kundi dahil ikakapahamak ko nanaman ito. mahilig kasi akong magdesisyon ng padalos-dalos. ewan ko ba, minsan kasi tadhana na mismo ang nagdidikta kung ano ang mangyayari. para kasing laging my twist. kahit anong iwas, wala ka pa ding kawala. hindi pa ako handang isiwalat ang madilim na aspetong ito ng buhay ko. ang masasabi ko lang ay ang uri ng nararamdaman ko ngayon na makailang ulit ko na ring naranasan. mali pero dumarating ang panahong nagagawa ko pa rin at sa puntong iyon,wala ni anumang tamang diwa ang nagsasabi sakin na "huwag na". sa bandang huli,sisi ang pumapaibabaw sa buong pagkatao ko. pagod na akong magisip. pagod na pagod na ako sa tila ba walang katapusang problemang ito.

ang dami-dami ng mga pagkakataong ipinahamak ko ang aking sarili dahil lamang sa pera,pero bakit kahit paulit-ulit-ulit,bumabalik pa rin ito o ako. hindi man nagkakatulad ang istilo, isa pa rin ang pinatutunguhan nito, ang kasiraan ko.

hindi naman ako masamang tao. pero ewan ko nga ba talaga. nuon, sinisisi ko ang mga magulang ko dahil wala man lang nagsabi ni-isa sa kanila na mali na at hindi na dapat maulit pa. pero naisip ko, bakit ko ipapasa ang sisi gayong kagagawan ko naman ito. hindi po ito isyung pagnanakaw. mas malalim at mas mabigat pa. kasi, ang isyu dito ay ang kredibilidad, dignidad at pagkatao ko na nanganganib nanamang masira dahil sa kagagawan ko.

uulitin ko po, hindi ako masamang tao at hindi rin naman ako perpekto. may mga butas din ang pagkatao ko. at dito sa aspetong ito ang pinakamalalim. nasira, nabuo, nasira, nabuo at nasira na ako dahil dito. sana, malagapasan ko pa ito. at dasal ko na sana,iadya na ako sa madilim na bahaging ito ng tinatahak kong daan.

sana, ang pera,di nalang naimbento. hindi na sana ako nakakaranas ng ganito. isa itong bangungot na makailang beses ng kumitil sa mga pangarap ko. kung alam niyo lang.

No comments:

Post a Comment